kadalasan sa tuwing malalim na ang gabi, bangungot ang naghihintay sa mga matang nakapikit. ‘di ko inaasahang may makakasagupa sa dilim, kahit ito’y isang hiraya sa walang kamalay-malay na katawan. sa ilalim ng mga bituin at gitna ng nagliliparang kulisap, mayroong tunog na katumbas ng naghahampasang alon sa buhangin. animo’y lumilikha ng musika ngunit ang puso ko lang ang nakakarinig. nang buksan ang mga mata, sumabay ang pagdaloy ng kapayapaan sa diwa.
Sa wakas, ako'y panatag.
paruparo sa sikmura ay nagsimulang lumipad, minsa’y gumagapang at kumakapit sa pusong sariwa. sa pagmulat ko’y may kislap sa mata’t tamis ng ngiti.
sa lahat ng panaginip, ito ang hirayang masarap balik-balikan. hindi ko ipagpapalit ang engkwentrong ito dahil narinig ko nang muli ang pag-awit ng ibon sa umaga, ang pagbati sakin ng langit, ang pag-alok sakin ng hangin ng mahigpit na yakap.
mula noo’y hindi na ako tumigil sumubok.
—
It’s true what they say, once you encounter Jesus, you’ll never be the same.